The icy heights that contain all reason

Oct 06
Permalink

2 more weeks or so..

at babalik rin ako. Hahaha!


Comments (View)
Sep 27
Permalink

Windang

Nawawala nananamn ako sa sirkulasyon!


Comments (View)
Sep 18
Permalink

Binawi pa pota!

May speech kami sa Saturday! Anak ng tinapa!? Akala ko pa naman may isang linggo pa ko ulit para paghandaan tong hinayapuk na speech na to! Letse talaga! UGH!


Comments (View)
Sep 17
Permalink

What more can I ask for?

Ang ganda ng gising ko kaninang umaga kahit gahol nanaman ako sa oras ng pagpeprepare papasok sa unibersidad.

Pagdating ko sa terminal ng FX, saktong andun pa si itay. Libre pamasahe nanaman! Ang ganda talaga ng araw ko! Pero na postponed ito for awhile.

Si itay ay colorum (green plate) kaya naman ingat sya sa mga manghuhuli. Nagkataong meron nanghuhuli kaninang umaga sa binabababaan ng mga pasahero kaya naman nagtanong sya kung lahat ba ng pasahero ay sa LRT bababa. Walang sumagot meaning lahat dun. Sinabi nya naiikot nalang sya para hindi sya mahuli. May nagreklamong isang pasahero. Malelate daw sya kapag umikot pa.

E PUTANG INA NYA PALA E!!! MAY MANGHUHULI NGA E!

Kalma syang sinagot ng tatay ko, “Wala naman hong traffic. Tsaka may nanghuhuli po”. Ako namimintig na yung tenga ko! E asa likod ako, sya ay nasa gitna. Sumagot nanaman sya, “Eh nalate nga ako nung huli ng umikot ka e!”.

Tang ina! Hindi na talaga ako nakapagpigil!!! Nagparinig na ko! At nananalangin akong narinig nya nga yun, “EH SA MAY NANGHUHULI NGA E!!!” Sabay text sa tatay ko ng, “Nakakainis yang pasahero mo da a!”.

Huling hirit ni itay, “Ibabalik ko nalang yung pamasahe nyo kesa mahuli ako! Sa susunod ho mamili kayo ng sasakyan nyo!”. At hindi na sya nagsalita! Magpasalamat sya at hindi na sya nagsalita dahil baka naihagis ko talaga yung pagmumukha nya sa Riverbanks!

Syet! Kung ayaw nyangmalate edi sana inagahan nya ang alis nya sa bahay! At kung ayaw nyang napeperwisyo ng mga LTO wag na syang sasakay ng colorum na kotse! LETSE!!!

HOOOOO!!! Kumulo talaga dugo ko nun!

Buti nalang dumating ako sa iskul sa oras. Nakapagretdem ng matiwasay! Nakakuha pa ako ng 1.25 at ang pinakamasaya sa lahat…. WALANG SPEECH SA SATURDAY!! Hoooo!! May isang linggo pa ako para gawin yung punyetang informative speech na yun! Hahahaha!


Comments (View)
Sep 14
Permalink

"Titigan nga tayo..."

O hayskul layp, o may hayskul layp.. Hahahaha!

Sa totoo hindi ko ganun namimiss ang HS! Ewan. Siguro yung mga tao, pero yung HS… hindi gaano. Masyado siguro akong masaya sa college layp! At siguro isa ako dun sa iilang taong nagsasabing mas masaya ang college kesa sa HS.

Pero ayan.. Namiss ko bigla ang hayskul! Si Matt Evans kasi e, ang pogi! Hahahaha! Kung hindi ka jolog katulad ko, malamang hindi ka nanood ng MMK (Maalaala Mo Kaya) kanina. Mababaw ang storya ng episode kanina. Hindi tulad ng mga pinapalabas nila noong breathtaking talaga. Pero feel good episode naman sya! Ayan nga, mamimiss mo ang hayskul.

At ayun lang… ang gwapo talaga ni Matt Evans! :x

PS. Ansaya ng araw na to! \:D/


Comments (View)
Sep 11
Permalink

Buong kwento ng 'OO SIKAT KA' (long post ingat)

“Wazzup hater!?”

Parang nagiging puro galit na ang laman ng bahay kong ito pero wapakels! Go parin ako!

Bumangon ako ng alasais kaninang umaga kahit na alaskwatro imedya ko inalarm ang selpown ko. Hagulgol nanaman ako sa pagligo, pag-ayos, pagbihis at ng kung anu-ano pang pag bago pumasok. Senyales ng isang kasumpa-sumpang araw ahead!

Fast forward muna tayo. Pinag-antay lang naman kami ng magaling naming professor ng limang oras. Limang oras! Putang ina! Dalawang oras sa umaga, at tatlong oras matapos ang lunch break! UGH!

Pero hindi yan ang bumuo ng araw ko. Pagkadating ko palang ng klasrum, pagod at kapos sa carbon dioxide, may sumambulat na kagad saking kagilagilalas na chismis (ayy hindi pala chismis dahil proven ito) kwento!

Ang biep ng kaibigan ko ay may kaibigang babae! Magulo? Intindihin mo nalang. Ang kaibigang babae ni biep ay nagfeeling. INIIMBISTIGAHAN DAW NAMIN SYA! Anak ng lalaking may boobs! OO SIKAT KA PERO WALA AKONG BALAK MAGING DETECTIVE, NI PAPARAZZI MO! Kung alam mo lang na iniidolo kita (well hindi talaga masayado). Tsk! Puno na ng hangin yang katawan mo, baka sumabog ka one day!

Ikukwento ko ng buong buo, pero bago ang lahat ipapakilala ko muna ang bida at mga kontrabida! Si kaibigan ko itago natin sa pangalang AB. Ang boyfriend naman ni AB ay si CD. Ang feelingerang babaeng kaibigan ni CD ay si EF. At yung isang malaking kulangot na may buhay na kaibigan ni CD at EF ay itago natin sa pangalang GH.

Nagsimula ito sa Plurk! Ito yung mga panahong wala pa kong ulirat na may nag-eexist palang Plurk sa likhang mundong ito, in short nung July. Si CD ay may Plurk. Malamang nabubuksan ni AB ang Plurk ni CD. Nababasa ni AB ang lahat ng mga andun.

Magkakaibigan si CD, EF at GH. Nagkataon na hindi alam ni GH ang salitang respeto kaya ganun nalang kalantaran kung asarin nya si CD at EF *hinga* na kesyo nagkakadevelop-an na daw sila *hinga ulit* na alam naman nyang nababsa ito ng gelpren ni CD na si AB! *nakakaubos ng hininga*

Kahit sino naman maaasar kay GH! Kaya nagkaroon ng GH issue ang magnobyong si AB at CD. Ilang beses din ata nila tong napag-aawayan.

Nang maikwento na sakin ito ni AB. Nalaman kong asa contacts ko pala sa multiply si EF, ang babaeng inaasar ni GH kay CD. Small world! Mga ilang araw ang nakalipas nalaman naming kaibigan pala ng kaklase namin ngayon sa college si EF. Kabarkada nya pa nga dati. At ngayon, ang mga ka-team ko ay kaibigan rin pala si EF. Apparently, she is extremely famous!

Kagabi bigla nanamang nagkaaway si AB at CD. Naitanong ni CD kung may tiwala ba si AB sakanya. *blah blah blah*. Hanggang napunta sa nasabi ni CD na may iniimbistagahan daw KAMIng babae nyang kaibigan. Malamangan lang ang tinutukoy nya ay walang iba kundi si EF dahil yun lang naman ang babae nyang kaibigan na may connect connect saming mga kaibigan ni AB.

Nalaman ito ni CD dahil si EF daw ay ‘nagsumbong’ kay GH. Kesyo feeling nya daw iniimbistigahan daw sya hanggang ngayon. Malamang si GH ang nagsabi kay CD kaya nya ito nalaman.

Take note!!! July issue pa ang GH issue! Biruin mong dalawang buwan na palang nagfifeeling si EF na iniimbistigahan sya! HUWATDAEP!!! Hanggang ngayon? At isa pang take note! HINDI KITA, O NAMIN INIIMBISTIGAHAN! Hindi ko kamag-anak si Mike Enriquez (ehh korny) at wala akong balak.

Hindi pa dyan nagtatapos… Pero itong huling parte medyo konklusyon lang namin kaya masasabi nyong chismis pa ito. Isa sa mga ka-team ko, kaibigan at masasabing kaclose ni EF. Lagi daw silang nagkakausap nun, laging nagkakachat. Pero nahinto ito simula ng magka-team kami. Ibig sabihin ba nito talagang feeling nya iniimbistigahan namin sya, o talagang nataon lang na busy sya?

Ayan, dyan na nagtatapos. YM nyo ko kung gusto nyong malaman ang totoong identity ni AB, CD, EF at GH. Hahahaha! Alam ko naman si Clara lang magbabasa nito. At si Aunj.:p


Comments (View)
Sep 10
Permalink

Ang totoo at buong storya

Dahil dalawa lang naman kayong nagbabasa nito, isisiwalat ko ng buong buo at walang halong biro ang mga pangyayari. (HAHAHA)

Nagkashoot kami nung Sunday kung na-remember niyo! :p Masaya sobra! Andami namin. Andaming model. Andaming photographers. Nakakatuwa dahil hindi nalang kami apat o lima ngayon. Lagpas sampu ata kami nun. AT naikwento ko din ang pagkasmall world ng mundong ito kaya napagtanto kong baka “meant to be” kaming magkakilakilala.

Nung kinagabihan, o nung isang araw lang ata nagconference kami ng team. Tuwing gabi kami nag coconference kaya hindi ko ma-know kung kailan exactly yun. (Memory gap!) Nabanggit ko sakanila sa confe na na-nosebleed ako sa isang nagcomment sa mga litrato ko sa multiply. Pero take note, hindi ako na-offend. Natuwa pa ako dahil may natututunan ako para iimprove ang mga litrato ko.

Nangmabasa nila ang comment sakin, aba.. sila ang nagreact! Yung dalawa naming bagong kasama todo.. paano ko ba sasabihin. Basta parang inaaway nila yung tao. Get? Sobrang yabang daw! Hindi naman daw sikat. E ang masama kaibigan ng isa samin yung ginagago nila. Respeto diba?

Ayan yung buong storya. Ngayon, may shoot kami ulit sa Sunday. Tinatanong kami nung parang leader namin kung ano tingin namin dun sa bagong dalawa. Nagkabuhusan ng sama ng loob at napagdesididuhan namin na…

Second chance! :) Everyone deserves a second chance diba?


Comments (View)
Sep 09
Permalink

Bastusan

Hindi mo talaga masasabing kilala mo ang isang tao sa ilang beses palang na pagkikita.

Nakakainis.
Nakakagigil.
Nakakadismaya.
Nakakalungkot.

Hindi mo talaga mawari kung bakit may mga taong mayayabang. Ang nakakainis pa ay hindi naman nila kilala ang mga “niyayabangan” nila para ganun-in nila. Masyado silang apektado e hindi naman sila yung bida sa storya. Ako e! Ako dapat yung apektado. Ako nga natuwa pa, tapos sila aawayin nila yung tao. Tsk!

Ang masama pa harap harapan nilang binabastos samin e alam naman nilang kaibigan namin yun. Hello? Respect! Alam nyo ibig sabihin nun? Tsk.

O yung dalawa, o tatlong nagbabasa nito naguluhan kayo ano? Wahaha! Pero wag kayo mag-alala. Ikukwento ko sa inyo! Nagana na ata ang comments chever ko dyan! Hahaha!


Comments (View)
Sep 06
Permalink

BLG at TriNoma!

Ahay! Boys Like Girls live in Manila, and its for free! Ahay! Sana kung nakapunta kami ng maaga dun nakapasok kami. Oh well! Inggit na inggit lang naman ako dun sa mga photographers na asa loob. Siyet! Ahay.


Nag-iisang maayos na shot!

Pero kahit ganun, masaya parin ang araw ko dahil nakasama ko na ulit si tumtums ko. Imagine, after one week sakto tsaka lang kami ulit nagkita. Nakakapanibago samin yun dahil halos araw araw kami nagkikita nito. Hanggat pwede magkikita kami. Pero yung linggong to iba! Ang hirap kasi nagkasakit sya. Tapos duty ko. Gusto ko man sya dalawin hindi ko magawa. Una kasi maraming requirements at pangawala dahil tuwing dinadalaw ko sya kapag may sakit sya, ang kasunod ay ako naman ang magkakasakit. Hindi ako pwedeng magkasakit ng linggong yun dahil duty ko. Dagdag gamot na, pati bayad pa sa absent. Tsk! Pero okay na dahil nagkita na kami ulit.. nagkikita na kami ulit! Ang hirap grabe! Ibang iba toyo ko kapag hindi kami nagkakasama! Paano pa kapag asa Tate na ako? :’( Haaaay. Here goes the drama! Pero ayoko, ayokong magdrama now dahil kailangan ko ng matulog! May shoot kami ulit bukas! Weee!

Nag-iisang tumtums ng buhay ko :”>

At masaya nga rin pala ako dahil… *drumroll* Nabili ko na ang lens na gusto ko at ang afford ko! Hahahaha! Weeee!
50mm f/1.8 \:D/

Comments (View)
Sep 03
Permalink

The Fight Is Over

Finally! Hahaha! Matapos ang ilang buwan ng pag-aaway (nanaman), bati na ulit kami ni bes! Hahahaha! Another level up on my maturity! Hahaha!

Although this day totally sucks… I can say its still awesome(?)! Hahaha!

Urbandub - Under Southern Lights Album


Comments (View)
Sep 02
Permalink
Super proxy!Aww.:) Galing galing ni kuya Nikki!
Photographer: Nikki VictorianoModel: Aia Solis

Super proxy!
Aww.:) Galing galing ni kuya Nikki!


Photographer: Nikki Victoriano
Model: Aia Solis


Comments (View)
Sep 01
Permalink
"Love redefines risk! :)"
— Moi

Comments (View)
Permalink
[Flash 9 is required to listen to audio.]

“…she’s a ghost I don’t want to get close to.”

“Bodyfire”
- Atavan


Comments (View)
Permalink

Bibong Bata (sa OPC)


  • Kela: (inaabot ang chocolate) Pwede ka ba dito? Paalam ka muna sa mama mo!
  • Ramram: (shouts and rubs her mothers face) Ma! Ma! Paalam! Paalam! Ma! Paalam!
  • WAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH!

Comments (View)
Permalink

OPC

Ansakit ng ulo ko. T_T

Dyusme! Boring boring boring duty! Sobrang nakaka.. Haaaay. -_-‘

Pero infairness natuwa naman ako dun sa (39weeks) pregnant mother na ni Leopold’s Maneuver namin. Nakakatakot yung tiyan! Parang may gumagalaw na alien sa loob. Hahahaha!

At isa pang infairness.. Hindi kami nag vital signs! Hooo! Hahaha!

Tama na kwento! Nababadtrip ako! Tsk.


Comments (View)
Subscribe to RSS / Browse the Archive / View in Mobile