The icy heights that contain all reason

Sep 10
Permalink

Ang totoo at buong storya

Dahil dalawa lang naman kayong nagbabasa nito, isisiwalat ko ng buong buo at walang halong biro ang mga pangyayari. (HAHAHA)

Nagkashoot kami nung Sunday kung na-remember niyo! :p Masaya sobra! Andami namin. Andaming model. Andaming photographers. Nakakatuwa dahil hindi nalang kami apat o lima ngayon. Lagpas sampu ata kami nun. AT naikwento ko din ang pagkasmall world ng mundong ito kaya napagtanto kong baka “meant to be” kaming magkakilakilala.

Nung kinagabihan, o nung isang araw lang ata nagconference kami ng team. Tuwing gabi kami nag coconference kaya hindi ko ma-know kung kailan exactly yun. (Memory gap!) Nabanggit ko sakanila sa confe na na-nosebleed ako sa isang nagcomment sa mga litrato ko sa multiply. Pero take note, hindi ako na-offend. Natuwa pa ako dahil may natututunan ako para iimprove ang mga litrato ko.

Nangmabasa nila ang comment sakin, aba.. sila ang nagreact! Yung dalawa naming bagong kasama todo.. paano ko ba sasabihin. Basta parang inaaway nila yung tao. Get? Sobrang yabang daw! Hindi naman daw sikat. E ang masama kaibigan ng isa samin yung ginagago nila. Respeto diba?

Ayan yung buong storya. Ngayon, may shoot kami ulit sa Sunday. Tinatanong kami nung parang leader namin kung ano tingin namin dun sa bagong dalawa. Nagkabuhusan ng sama ng loob at napagdesididuhan namin na…

Second chance! :) Everyone deserves a second chance diba?


Comments (View)
blog comments powered by Disqus
Subscribe to RSS / Browse the Archive / View in Mobile