The icy heights that contain all reason

Sep 11
Permalink

Buong kwento ng 'OO SIKAT KA' (long post ingat)

“Wazzup hater!?”

Parang nagiging puro galit na ang laman ng bahay kong ito pero wapakels! Go parin ako!

Bumangon ako ng alasais kaninang umaga kahit na alaskwatro imedya ko inalarm ang selpown ko. Hagulgol nanaman ako sa pagligo, pag-ayos, pagbihis at ng kung anu-ano pang pag bago pumasok. Senyales ng isang kasumpa-sumpang araw ahead!

Fast forward muna tayo. Pinag-antay lang naman kami ng magaling naming professor ng limang oras. Limang oras! Putang ina! Dalawang oras sa umaga, at tatlong oras matapos ang lunch break! UGH!

Pero hindi yan ang bumuo ng araw ko. Pagkadating ko palang ng klasrum, pagod at kapos sa carbon dioxide, may sumambulat na kagad saking kagilagilalas na chismis (ayy hindi pala chismis dahil proven ito) kwento!

Ang biep ng kaibigan ko ay may kaibigang babae! Magulo? Intindihin mo nalang. Ang kaibigang babae ni biep ay nagfeeling. INIIMBISTIGAHAN DAW NAMIN SYA! Anak ng lalaking may boobs! OO SIKAT KA PERO WALA AKONG BALAK MAGING DETECTIVE, NI PAPARAZZI MO! Kung alam mo lang na iniidolo kita (well hindi talaga masayado). Tsk! Puno na ng hangin yang katawan mo, baka sumabog ka one day!

Ikukwento ko ng buong buo, pero bago ang lahat ipapakilala ko muna ang bida at mga kontrabida! Si kaibigan ko itago natin sa pangalang AB. Ang boyfriend naman ni AB ay si CD. Ang feelingerang babaeng kaibigan ni CD ay si EF. At yung isang malaking kulangot na may buhay na kaibigan ni CD at EF ay itago natin sa pangalang GH.

Nagsimula ito sa Plurk! Ito yung mga panahong wala pa kong ulirat na may nag-eexist palang Plurk sa likhang mundong ito, in short nung July. Si CD ay may Plurk. Malamang nabubuksan ni AB ang Plurk ni CD. Nababasa ni AB ang lahat ng mga andun.

Magkakaibigan si CD, EF at GH. Nagkataon na hindi alam ni GH ang salitang respeto kaya ganun nalang kalantaran kung asarin nya si CD at EF *hinga* na kesyo nagkakadevelop-an na daw sila *hinga ulit* na alam naman nyang nababsa ito ng gelpren ni CD na si AB! *nakakaubos ng hininga*

Kahit sino naman maaasar kay GH! Kaya nagkaroon ng GH issue ang magnobyong si AB at CD. Ilang beses din ata nila tong napag-aawayan.

Nang maikwento na sakin ito ni AB. Nalaman kong asa contacts ko pala sa multiply si EF, ang babaeng inaasar ni GH kay CD. Small world! Mga ilang araw ang nakalipas nalaman naming kaibigan pala ng kaklase namin ngayon sa college si EF. Kabarkada nya pa nga dati. At ngayon, ang mga ka-team ko ay kaibigan rin pala si EF. Apparently, she is extremely famous!

Kagabi bigla nanamang nagkaaway si AB at CD. Naitanong ni CD kung may tiwala ba si AB sakanya. *blah blah blah*. Hanggang napunta sa nasabi ni CD na may iniimbistagahan daw KAMIng babae nyang kaibigan. Malamangan lang ang tinutukoy nya ay walang iba kundi si EF dahil yun lang naman ang babae nyang kaibigan na may connect connect saming mga kaibigan ni AB.

Nalaman ito ni CD dahil si EF daw ay ‘nagsumbong’ kay GH. Kesyo feeling nya daw iniimbistigahan daw sya hanggang ngayon. Malamang si GH ang nagsabi kay CD kaya nya ito nalaman.

Take note!!! July issue pa ang GH issue! Biruin mong dalawang buwan na palang nagfifeeling si EF na iniimbistigahan sya! HUWATDAEP!!! Hanggang ngayon? At isa pang take note! HINDI KITA, O NAMIN INIIMBISTIGAHAN! Hindi ko kamag-anak si Mike Enriquez (ehh korny) at wala akong balak.

Hindi pa dyan nagtatapos… Pero itong huling parte medyo konklusyon lang namin kaya masasabi nyong chismis pa ito. Isa sa mga ka-team ko, kaibigan at masasabing kaclose ni EF. Lagi daw silang nagkakausap nun, laging nagkakachat. Pero nahinto ito simula ng magka-team kami. Ibig sabihin ba nito talagang feeling nya iniimbistigahan namin sya, o talagang nataon lang na busy sya?

Ayan, dyan na nagtatapos. YM nyo ko kung gusto nyong malaman ang totoong identity ni AB, CD, EF at GH. Hahahaha! Alam ko naman si Clara lang magbabasa nito. At si Aunj.:p


Comments (View)
blog comments powered by Disqus
Subscribe to RSS / Browse the Archive / View in Mobile