"Titigan nga tayo..."
O hayskul layp, o may hayskul layp.. Hahahaha!
Sa totoo hindi ko ganun namimiss ang HS! Ewan. Siguro yung mga tao, pero yung HS… hindi gaano. Masyado siguro akong masaya sa college layp! At siguro isa ako dun sa iilang taong nagsasabing mas masaya ang college kesa sa HS.
Pero ayan.. Namiss ko bigla ang hayskul! Si Matt Evans kasi e, ang pogi! Hahahaha! Kung hindi ka jolog katulad ko, malamang hindi ka nanood ng MMK (Maalaala Mo Kaya) kanina. Mababaw ang storya ng episode kanina. Hindi tulad ng mga pinapalabas nila noong breathtaking talaga. Pero feel good episode naman sya! Ayan nga, mamimiss mo ang hayskul.
At ayun lang… ang gwapo talaga ni Matt Evans! :x
PS. Ansaya ng araw na to! \:D/