The icy heights that contain all reason

Sep 17
Permalink

What more can I ask for?

Ang ganda ng gising ko kaninang umaga kahit gahol nanaman ako sa oras ng pagpeprepare papasok sa unibersidad.

Pagdating ko sa terminal ng FX, saktong andun pa si itay. Libre pamasahe nanaman! Ang ganda talaga ng araw ko! Pero na postponed ito for awhile.

Si itay ay colorum (green plate) kaya naman ingat sya sa mga manghuhuli. Nagkataong meron nanghuhuli kaninang umaga sa binabababaan ng mga pasahero kaya naman nagtanong sya kung lahat ba ng pasahero ay sa LRT bababa. Walang sumagot meaning lahat dun. Sinabi nya naiikot nalang sya para hindi sya mahuli. May nagreklamong isang pasahero. Malelate daw sya kapag umikot pa.

E PUTANG INA NYA PALA E!!! MAY MANGHUHULI NGA E!

Kalma syang sinagot ng tatay ko, “Wala naman hong traffic. Tsaka may nanghuhuli po”. Ako namimintig na yung tenga ko! E asa likod ako, sya ay nasa gitna. Sumagot nanaman sya, “Eh nalate nga ako nung huli ng umikot ka e!”.

Tang ina! Hindi na talaga ako nakapagpigil!!! Nagparinig na ko! At nananalangin akong narinig nya nga yun, “EH SA MAY NANGHUHULI NGA E!!!” Sabay text sa tatay ko ng, “Nakakainis yang pasahero mo da a!”.

Huling hirit ni itay, “Ibabalik ko nalang yung pamasahe nyo kesa mahuli ako! Sa susunod ho mamili kayo ng sasakyan nyo!”. At hindi na sya nagsalita! Magpasalamat sya at hindi na sya nagsalita dahil baka naihagis ko talaga yung pagmumukha nya sa Riverbanks!

Syet! Kung ayaw nyangmalate edi sana inagahan nya ang alis nya sa bahay! At kung ayaw nyang napeperwisyo ng mga LTO wag na syang sasakay ng colorum na kotse! LETSE!!!

HOOOOO!!! Kumulo talaga dugo ko nun!

Buti nalang dumating ako sa iskul sa oras. Nakapagretdem ng matiwasay! Nakakuha pa ako ng 1.25 at ang pinakamasaya sa lahat…. WALANG SPEECH SA SATURDAY!! Hoooo!! May isang linggo pa ako para gawin yung punyetang informative speech na yun! Hahahaha!


Comments (View)
blog comments powered by Disqus
Subscribe to RSS / Browse the Archive / View in Mobile